Isang araw,
mayroong isang matandang babae na madalas na namimili sa kanya na
nag-ngangalang Aling Naty. Si aling Naty ay galing sa isang nakaaangat na
pamilya sa Mandaluyong. Ang pamilya nila ay kilala sa lugar na yun dahil noong
panahon na iyon ang kaniyang asawa ay kasalukuyang nakaupo sa puwesto bilang
isang konsehal at bukod pa rito, sila ay nagmamay-ari ng mga
bahay-paupahan sa A. Luna kung saan
malapit ang pinag-titindahan ni Emalyn. Si Emalyn ay galing sa malayong lugar
ng Marinduque. Siya ang ikalawa sa apat na anak nina Jovito Pelobello at Gloria
Pelobello. Galing siya sa isang karaniwang na pamilya at dahil hindi kayang
tustusan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pang-matrikula sa kolehiyo, nag-pasiya
siyang makipagsapalaran sa maynila upang mag-trabaho at pag-arlain ang sarili.
Siya ay dinala ng kapalaran sa Mandaluyong, kung saan siya ay nag-titinda ng
mga imported na damit at mga saging sa palengke sa tulong ng kaniyang
tiyahin na nakatira sa Maynila at sa gabi naman siya ay nag-aaral sa Joze Rizal
University. Tuwang- tuwa si Aling naty kapag nakikita niya si Emalyn kaya
madalas siyang namimili sa tindahan nito at naging suki nadin ni Emalyn. Isang
dahilan kaya siya natutuwa kay Emalyn ay nakikita niya daw ang kaniyang sarili kay
Emalyn noong siya ay dalaga pa lamang. Nakita niya na masikap, mabait, matalino
at higit sa lahat madiskarte sa buhay si Emalyn. Naisip niya na bihira na ang
mga ganitong babae sa panahon ngayon kaya kaniyang dinala ang isa niyang lalaki
na anak upang ipakilala kay Emalyn dahil ito ang mga tipo ng babae na gusto
niyang mapangasaw ng kaniyang anak.
Si Eduardo, ang
ika-apat sa labing-isang anak nila Natividad Cristobal at Ernesto Cristobal.
Isa ding masikap na tao si Eduardo. Kahit siya ya nanggaling sa marangyang
pamilya, nagsikap padin siyang magkaroon ng trabaho kahit din a niya kailangan.
Siya ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia noong panahon na iyon. Ang nanay niya na
ssa Aling Naty ang nag-udyok sa kaniya na paibigin si Emalyn. Kaya isang araw
ng bumalik siya sa Pinas, pinakilala siya ni Aling Naty kay Emalyn. Sa una
nilang pag-kikita ay sadyang napakailap ni Emalyn samantala para kay Eduardo
naman ay parang wala lang iyon dahil kagustuhan lang ng kaniyang ina na magpakilala
kay Emalyn. Si aling Nat yang masugid na nanliligaw at humuhuli ng loob ni
Emalyn. Dahil gusto niya talagang maging manugang ito, inaraw-araw niya ang
pag-suyo sa kaniya at sinasabing ang anak na si Eduardo ang nag-papagawa ng mga
ito. Ngunit sadyang determinado si Emalyn na makatapos kaya di nalang niya ito
pinapansin.
Hanggang sa
dumating ang panahon na tinamaan ng pana ni cupido si Eduardo at isang araw
bigla nalang niyang napag-tanto na kakaiba nga si Emalyn sa mga babaeng
nakilala niya, inilalarawan pa niya ito bilang isang pinaka-perpekto sa lahat
ng perpektong babae para sa kaniya. Kaya nag-simula na siyang bumisi-bisita at
hulihin ang loob ni Emalyn. Habang nasa Pinas pa noon si Eduardo, araw-araw
niyang sinusuyo at pinupuntahan si Emalyn. Di kalaunan ay nahulog din si Emalyn
sa kaniya dahil sa tiyaga at sikap nito na hulihin ang kaniyang loob. Nahuli
niya ang kaniyang loob ngunit hindi na nagkaroon nga pag-kakataon si Emalyn na
sabihin ang kaniyang matamis na “oo” dahil pabalik na si Eduardo noon sa Saudi
Arabia upang mag-trabaho. Wala man silang tinatawag na opisyal na relasyon sa
isa’t-isa ay nanatili padin ang pagiging tapat nila sa bawat isa dahil alam
nila ang tinitibok ng kanilang mga puso. Nag-patuloy ang kanilang komunikasyon
kahit nasa ibang bansa na si Eduardo, sila ay nag-uusap sa pamamagitan ng
pag-sulat. Paminsan-minsan ay tumatawag si Eduardo kay Emalyn.
Nang makabalik
si Eduardo sa pinas, agad-agad itong nag-pakita kay Emalyn. Nang mag-kita sila
ay inalok niya agad ito ng kasal at pumayag naman si Emalyn. Noong Oktubre 7
1980, sila ay nag-pakasal sa sibil bago nila ibalita sa kanilang mga pamilya
dahil nasa legal na edad naman na sila ng panahon na iyon. Nang malaman ito ni
Aling Naty, siya ay galak na galak sa tuwa kaya binigyan niya ng bahay sina
Eduardo at Emalyn bilang regalo sa bagong kasal. Si Eduardo ay hindi na bumalik ng Saudi
Arabia upang makapiling ang kaniyang asawa, kaya nag-tayo na lamang siya ng
negosyo ng mga kahoy na hanggang ngayon ay pangunahing ikinabubuhya ng kaniyang
pamilya. Ang kanilang pag-mamahalan ay nag-bunga ng tatlong babae isang lalaki
na ngayon ay mga dalaga at binata na at ako ang kanilang bunso. Palaging
sinasabi ng aking inang si Emalyn na, “Hindi pa dito nag-tatapos ang kanilang
buhay-pag-ibig, dahil habang nabubuhya sila, patuloy nilang mamahalin ang
isa’t-isa.” Sadyang napaka-simple ng kanilang buhay pag-ibig ngunit nakaka-inspire
ito tuwing maririig ko ito. J