Matagal-tagal din ang sampung taong
ng panunungkulan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. At sa sampung
taong panunungkulan na iyon ay may mga bagay na maganda at hindi magandang
nadulot sa ating bansa at sa ating mga mamamayan. Ano nga ba ang mga bagay na
ito? Ako ay nagsaliksik, at napagalaman ko ang mga bagay na ito. Ang mga
magaganda niyang nagawa ay ang
pagbibigay ng trabaho sa mahihirap at pagpapagawa ng mga tulay sa Pilipinas.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito , meron din siyang mga hindi magandang nagawa.
Unang-una, malaki ang naiambag niya sa korupsiyon sa ating bansa. Ikalawa,
sinasabing bumababa ang ekonomiya ng bansa ng siya ay umupo sa pagka-pangulo.
Ikahuli, ang isyu ng “Hello Garci” kung saan dinaya niya ang eleksyon noong
2004 upang siya ang manalo. Ang mga
bagay na ito ay ang resulta ng hindi maayos na sistema ng pumumuno niya sa
ating bansa.
Isa sa mga hindi maganda nagawa
niya na tumatak sa mga mamayang Pilipino ay ang kanyang pagiging korap. Kurap
nga ba talaga ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Ako ay
sumasang-ayon sa pahayag na ito dahil sa aking pag-oobserba bilang isang
mag-aaral, madami siyang nakuha o nabenepisyo sa kanyang pagkaka-upo bilang
pangulo ng bansa. Ano nga ba ang mga pruweba na nagsasabing siya ay korap? Unang-una,
noong mga panahon na lumabas na ang mga pangungurakot ng dating pangulong GMA
sa publiko, madaming umapila at umamin na sila ay inaabutan ng pera para
pumanig sa kanya. Ikalawa, madaming
naglabasang ebidensiya na ginagamit nya ang pera ng gobyerno sa mga bagay na
hindi dapat ito napupunta gaya ng paglitaw ng mga “bank accounts” naglalakihan
ang mga halaga ng pera na nakadiposito na sa katagalan ay lumitaw na si GMA ang
magmamay-ari pati ang paggamit niya sa mga pindo na pangpagawa ng mga
pampubliko imprastaktura ay nawala na lamang na parang bula. Ikatlo, lalong
humirap an gating bansa habang naglabasan ang mga pagnakaw niya ng pera ng
bansa.
Sa bandang huli, masasabi ko na
korap ang dating Pangulong Gloria MAcapagal-Arroyo dahil malinaw na malinaw sa
akin ang mga pruweba o kabulukan na kanyang itinatago at dapat siyang hatulan
ng pag-kakakulong dahil ito karampat na parusa sa kanyang nagawa. Sa tingin ko,
ito ang magiging paraan upang mabigyan siya ng leksyon at mag-tanda siya sa
kasalanan na hindi lang siya ang nakinabang kundi pati ang pamilya niya na
nag-pasasa sa pera o kayamanan ng mga mamayang Filipino.
No comments:
Post a Comment