Wednesday, October 10, 2012

"Kung Paano Nagkakilala ang aking mga Magulang. "


Isang araw, mayroong isang matandang babae na madalas na namimili sa kanya na nag-ngangalang Aling Naty. Si aling Naty ay galing sa isang nakaaangat na pamilya sa Mandaluyong. Ang pamilya nila ay kilala sa lugar na yun dahil noong panahon na iyon ang kaniyang asawa ay kasalukuyang nakaupo sa puwesto bilang isang konsehal at bukod pa rito, sila ay nagmamay-ari ng mga bahay-paupahan  sa A. Luna kung saan malapit ang pinag-titindahan ni Emalyn. Si Emalyn ay galing sa malayong lugar ng Marinduque. Siya ang ikalawa sa apat na anak nina Jovito Pelobello at Gloria Pelobello. Galing siya sa isang karaniwang na pamilya at dahil hindi kayang tustusan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pang-matrikula sa kolehiyo, nag-pasiya siyang makipagsapalaran sa maynila upang mag-trabaho at pag-arlain ang sarili. Siya ay dinala ng kapalaran sa Mandaluyong, kung saan siya ay nag-titinda ng mga imported na damit at mga saging sa palengke sa tulong ng kaniyang tiyahin na nakatira sa Maynila at sa gabi naman siya ay nag-aaral sa Joze Rizal University. Tuwang- tuwa si Aling naty kapag nakikita niya si Emalyn kaya madalas siyang namimili sa tindahan nito at naging suki nadin ni Emalyn. Isang dahilan kaya siya natutuwa kay Emalyn ay nakikita niya daw ang kaniyang sarili kay Emalyn noong siya ay dalaga pa lamang. Nakita niya na masikap, mabait, matalino at higit sa lahat madiskarte sa buhay si Emalyn. Naisip niya na bihira na ang mga ganitong babae sa panahon ngayon kaya kaniyang dinala ang isa niyang lalaki na anak upang ipakilala kay Emalyn dahil ito ang mga tipo ng babae na gusto niyang mapangasaw ng kaniyang anak.
Si Eduardo, ang ika-apat sa labing-isang anak nila Natividad Cristobal at Ernesto Cristobal. Isa ding masikap na tao si Eduardo. Kahit siya ya nanggaling sa marangyang pamilya, nagsikap padin siyang magkaroon ng trabaho kahit din a niya kailangan. Siya ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia noong panahon na iyon. Ang nanay niya na ssa Aling Naty ang nag-udyok sa kaniya na paibigin si Emalyn. Kaya isang araw ng bumalik siya sa Pinas, pinakilala siya ni Aling Naty kay Emalyn. Sa una nilang pag-kikita ay sadyang napakailap ni Emalyn samantala para kay Eduardo naman ay parang wala lang iyon dahil kagustuhan lang ng kaniyang ina na magpakilala kay Emalyn. Si aling Nat yang masugid na nanliligaw at humuhuli ng loob ni Emalyn. Dahil gusto niya talagang maging manugang ito, inaraw-araw niya ang pag-suyo sa kaniya at sinasabing ang anak na si Eduardo ang nag-papagawa ng mga ito. Ngunit sadyang determinado si Emalyn na makatapos kaya di nalang niya ito pinapansin.
Hanggang sa dumating ang panahon na tinamaan ng pana ni cupido si Eduardo at isang araw bigla nalang niyang napag-tanto na kakaiba nga si Emalyn sa mga babaeng nakilala niya, inilalarawan pa niya ito bilang isang pinaka-perpekto sa lahat ng perpektong babae para sa kaniya. Kaya nag-simula na siyang bumisi-bisita at hulihin ang loob ni Emalyn. Habang nasa Pinas pa noon si Eduardo, araw-araw niyang sinusuyo at pinupuntahan si Emalyn. Di kalaunan ay nahulog din si Emalyn sa kaniya dahil sa tiyaga at sikap nito na hulihin ang kaniyang loob. Nahuli niya ang kaniyang loob ngunit hindi na nagkaroon nga pag-kakataon si Emalyn na sabihin ang kaniyang matamis na “oo” dahil pabalik na si Eduardo noon sa Saudi Arabia upang mag-trabaho. Wala man silang tinatawag na opisyal na relasyon sa isa’t-isa ay nanatili padin ang pagiging tapat nila sa bawat isa dahil alam nila ang tinitibok ng kanilang mga puso. Nag-patuloy ang kanilang komunikasyon kahit nasa ibang bansa na si Eduardo, sila ay nag-uusap sa pamamagitan ng pag-sulat. Paminsan-minsan ay tumatawag si Eduardo kay Emalyn.
Nang makabalik si Eduardo sa pinas, agad-agad itong nag-pakita kay Emalyn. Nang mag-kita sila ay inalok niya agad ito ng kasal at pumayag naman si Emalyn. Noong Oktubre 7 1980, sila ay nag-pakasal sa sibil bago nila ibalita sa kanilang mga pamilya dahil nasa legal na edad naman na sila ng panahon na iyon. Nang malaman ito ni Aling Naty, siya ay galak na galak sa tuwa kaya binigyan niya ng bahay sina Eduardo at Emalyn bilang regalo sa bagong kasal.  Si Eduardo ay hindi na bumalik ng Saudi Arabia upang makapiling ang kaniyang asawa, kaya nag-tayo na lamang siya ng negosyo ng mga kahoy na hanggang ngayon ay pangunahing ikinabubuhya ng kaniyang pamilya. Ang kanilang pag-mamahalan ay nag-bunga ng tatlong babae isang lalaki na ngayon ay mga dalaga at binata na at ako ang kanilang bunso. Palaging sinasabi ng aking inang si Emalyn na, “Hindi pa dito nag-tatapos ang kanilang buhay-pag-ibig, dahil habang nabubuhya sila, patuloy nilang mamahalin ang isa’t-isa.” Sadyang napaka-simple ng kanilang buhay pag-ibig ngunit nakaka-inspire ito tuwing maririig ko ito. J

No comments:

Post a Comment