Wednesday, October 10, 2012

“Paglalahad ng mga Katotohanang Nagtatago sa Likod ng mga Aksyon.”


Ang palabas na Nunal sa Tubig ay pinangungunahan ng mga magagaling na aktor na sina Elizabeth Oropesa, Daria Ramirez at George Estregan sa direksyon ng batikang director na si  Ishmael Bernal. Sa panonood ng pelikulang ito, madami akong naobserbahan na mga eksena kung saan pinapakita doon kung ano ang totoong nangyayari sa katotohanan.
Katulad ng isyu sa pagpapalaglag ng anak, makikita dito na dati na pala naimpluwensiyahan ang mga babae na magpalaglag ng anak sa isang manghihilot kung hindi nila nagustuhan ang kanilang pagbubuntis. Konektado din ito sa isang isyu na hinaharap ng ating bansa ngayon, ang RH bill.
Isa pa dito ang pagpapakita na hindi marunong magsimba ang mga tao dito dahil sa sobrang hirap ng buhay dito, walang nagtangkang magtayp ng bahay-sambahan. Makikita ito sa eksena kung saan nagpunta ang mga kabataan sa isla at nagtanong kung nagsisimba ba ang mga tao dito at ang sagot ng mga tao dito ay wala daw simbahan doon sa lugar nila. Dagdag pa rito, makikita kung gaano kasimple ang buhay noong unang panahon.
Meron pang maoobserbahan dito na sa sobrang layo sa sibilisasyon ng isang lugar at sobrang liblib nito, malaki ang kakulangan sa edukasyon ng mga tao dito. Makikita ito sa eksena kung saan may pumunta na isang babae sa lugar nila at nagtatanong tungkol sa mga tao dito para sa isang sarbey na gagawin, dahil sa kakulangan sa edukasyon, hindi  alam ng mga tao dito kung ano ang pkay ng babae kaya pinaalis nila ito.
Makikita rin sa palabas na ito ang diskriminasyon sa mga mahihirap na tao. Hindi dahil walang kaalaman ang mga tao dito, wala na silang karapatan na patkbuhin ang mga buhay nila. Napansin ko ito ng magkaroon ng isang delubyo sa palabas kung saan nagkamatay ang mga isda sa lugar na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao doon, ang mga manunuring dayuhan ang pumunta doon sa nanguna sa kanila.
Kapansin-pansin na ang palabas na Nunal sa Tubig kung paano nito ipinkita ang mga katotohan. Ito ay wala masyadong pagsasalita na ipapakita dahil mas pinili ng mga gumawa ng palabas ang pagpapakita ng mga imahen upang mapaisip ng malalim ang mga tao sa mga nangyayari sa loob ng palabas kagaya ng isip ng direktor nito na si Ishmael Bernal. Makikitang simpleng-simple lang ang mga eksenang nangyari ditto ngunit kung iisiping mabuti, napakalalim ng kahulugan ng mga eksenang ito. Sa kabuuan, masasabi kong napakagaling ng pagkakagawa ng palabas na Nunal sa Tubig dahil sa simpleng mga imahen na ipinakita nito, madaming katotohanan ang naipalabas ng isang obra maestra ng batikang director na  si Ishmael Bernal.

No comments:

Post a Comment